Wednesday, March 21, 2012

PALIWANAG SA 7 LAYUNIN NG D.E.U.S.(G.O.D.)

PALIWANAG UKOL SA MGA LAYUNIN NG D.E.U.S. (G.O.D.)


1
ISABUHAY ANG TATLONG GINTONG SIMULAIN:
MAKADIYOS, MAKABAYAN, AT MAKATAO

 ANG IBIG SABIHIN NG MAKA-DIYOS AY AYON SA 
TUNTUNIN NG DIYOS NG MGA DIYOS,
 PANGINOON NG MGA PANGINOON 
NA SI YHWH, AT SANG-AYON SA MGA DAKILANG ARAL 
NG ATING PANGINOONG SI JESU-CRISTO.

ITO ANG PAGTUPAD SA PINAKAMAHALANGANG UTOS.
 (MATEO 22:37)

 ANG PAGIGING MAKA-BAYAN AY HINDI PANGLUPANG 
MAKABAYAN KUNDI ANG PAGIGING KASAMA SA PAMAYANAN 
NG MGA SUMUSUNOD SA DIYOS AT NAGSUSUMIKAP 
SUNDIN  ANG KANYANG KALOOBAN. SAMAKATUWID, 
AY “BAYAN NG DIYOS” O ANG KANYANG IGLESIA.

 ANG PAGIGING MAKA-TAO AY SANG-AYON SA IKALAWANG PINAKAMAHALAGANG UTOS, ANG MAHALIN ANG KAPWA 
GAYA NG SARILI.
 (MATEO 22:39)
  
KAYA ISINASABUHAY ANG MGA SIMULAING ITO SAPAGKAT 
ANG PANANAMPALATAYANG WALANG GAWA AY PATAY.


2
ISAGAWA ANG PAG-IBIG SA DIYOS, PANANAMPALATAYA 
AT PAG-ASA SA PAMAMAGITAN NG TIYAGA


ITO AY BASE SA ARAL NG TALATA NG 1 CORINTO 13:13 
NA ANG PANANAMPALATAYA, PAG,ASA, AT PAG-IBIG 
AY NANANATILI, 
AT ANG PINAKADAKILA DITO AY ANG PAG-IBIG.
 
 
UKOL SA PAGTITIYAGA, SINASABI SA ROMA 5:4, 
ANG PAGTITIYAGA 
AY NAGBUBUNGA KATATAGAN, AT ANG KATATAGAN 
AY NAGBUBUNGA NG PAG-ASA.
 
 
SA ROMA 5:5 SINASABI NA HINDI TAYO NABIBIGO 
SA ATING PAG-ASA, 
SAPAGKAT ANG PAG-IBIG NG DIYOS AY IBINUHOS 
SA ATING MGA  PUSO SA PAMAMAGITAN NG 
ESPIRITU SANTO 
NA PINAGKALOOB SA ATIN.
 
 
NAKASULAT DIN SA ROMA 12:12 MAGALAK KAYO DAHIL 
SA INYONG  PAG-ASA. MAGTIYAGA KAYO SA INYONG 
KAPIGHATIAN, AT LAGING   MANALANGIN.


3
ISAKATUPARAN ANG KABUTIHAN, KATUWIRAN, KALINISAN, KATOTOHANAN, KADALISAYAN, KALIWANAGAN, AT
 KABABAAN NG KALOOBAN

 
ANG PAGSASAKATUPARAN  NG KABUTIHAN AY BASE SA 
TALATA NG 3JUAN 1: 11 NA TULARAN ANG MABUTING
 HALIMBAWA. 

ANG  GUMAGAWA NG MABUTI AY ANAK NG DIYOS.
 
 
SINASABI DIN SA EFESO 2:10 TAYO’Y KANYANG NILALANG, 
NILIKHA SA PAMAMAGITAN NI CRISTO JESUS UPANG IUKOL 
NATIN SA ATING BUHAY SA PAGGAWA NG MABUTI, 
NA ITINALAGA NA NG DIYOS PARA SA ATIN
 NOON PANG UNA.
 
 
NASUSULAT DIN SA ROMA 12:21, HUWAG KANG PADAIG 
SA MASAMA, KUNDI DAIGIN MO NG MABUTI ANG MASAMA.
 
 
ANG PAGSASAKATUPARAN  NG KATUWIRAN AY 
NAKASAAD SA TALATA NG ROMA 6:18 PINALAYA NA KAYO 
SA KASALANAN AT NGAYO’Y MGA ALIPIN NA NG KATUWIRAN.


ANG PAGSASAKATUPARAN  NG KALINISAN AY NASUSULAT
 SA 1 CORINTO 5: 7 “ALISIN NINYO ANG LUMANG LEBADURA, 
ANG KASALANAN, UPANG KAYO’Y MAGING MALINIS.


SA GAYON, MATUTULAD KAYO SA ISANG BAGONG MASA 
NA WALANG LEBADURA-AT GANYAN NGA KAYO. 


SAPAGKAT NAIHANDOG NA ANG ATING KORDERONG 
PANGPASKUWA- SI CRISTO.


ANG PAGSASAKATUPARAN  NG KATOTOHANAN 
AY ANG PAGSASAKATUPARAN NG MGA ARAL NG
 PANGINOONG JESU-CRISTO, SAPAGKAT NASUSULAT 
SA JUAN 8: 31-32 “SINABI NAMAN NI JESUS SA MGA 
JUDIONG NANINIWALA SA KANYA, “KUNG PATULOY KAYONG SUSUNOD SA AKING ARAL, TUNAY NGANG KAYO’Y
 MGA ALAGAD KO; MAKIKILALA NINYO ANG KATOTOHANAN, 
AT ANG KATOTOHANAN ANG MAGPAPALAYA SA IYO.”
  

SINO O ANO ANG KATOTOHANANG ITO?


NASUSULAT SA JUAN 14:6-7 SUMAGOT SI JESUS, 
“AKO ANG DAAN, ANG KATOTOHANAN, AT ANG BUHAY.
 WALANG MAKAPUPUNTA SA AMA KUNDI SA PAMAMAGITAN KO.


KUNG AKO’Y KILALA NINYO, KILALA NA RIN NINYO ANG AKING 
AMA. MULA NGAYON AY KILALA NA NINYO SIYA AT
 INYONG NAKITA.”


ANG PAGSASAKATUPARAN  NG KADALISAYAN AY GANITO:

NASUSULAT SA SANTIAGO 1:27

Ang dalisay na relihion at walang dungis sa harapan ng ating Dios at Ama ay ito, dalawin ang mga ulila at mga babaing bao sa kanilang kapighatian, at pagingatang walang dungis ang kaniyang sarili sa sanglibutan.  


ANG  PAGSASAKATUPARAN NG KALIWANAGAN AY
 AYON SA NAKASULAT SA 2 CORINTO 3:16-18 NGUNIT PAGHARAP 
NG TAO SA PANGINOON, NAAALIS ANG TALUKBONG.


ANG PANGINOONG BINABANGGIT DITO AY ANG ESPIRITU, AT 
KUNG SAAN NAROON ANG ESPIRITU NG PANGINOON,
 NAROROON RIN ANG KALAYAAN.


AT NGAYONG NAALIS NA ANG TALUKBONG SA ATING MUKHA, TAYONG LAHAT ANG NAGIGING SINAG NG KANINGNINGAN NG PANGINOON.


AT ANG KANINGNINGAN IYON AY NAGMUMULA SA PANGINOON, 
NA SIYANG ESPIRITU, ANG BUMABAGO SA ATING ANYO 
UPANG MAGING LALONG MANINGNING, HANGGANG 
SA MAGING MISTULANG LARAWAN NIYA.


ANG PAGSASAKATUPARAN  NG KABABAAN NG KALOOBAN AY 
AYON SA NAKASULAT SA ROMA 12: 16 “ MAGKAISA KAYO 
NG SALOOBIN. HUWAG KAYONG MAGMATAAS, 
KUNDI MAKISAMA SA ABA


HUWAG NINYONG IPALAGAY NA KAYO’Y NAPAKARUNONG.


NAKASULAT DIN SA 1 CORINTO 5:6 HINDI KAYO DAPAT MAGPALALO.


NAKASULAT DIN SA MATEO 5:5 MAPALAD ANG MGA MAPAGKUMBABA, SAPAGKAT TATAMUHIN SILA ANG
 IPINANGAKO NG DIYOS.


4
IPALAGANAP ANG PAGKAKAISA, PAGMAMAHALAN, PAGTULONG SA KAPWA, PAGMIMISYON, PAGLILINIS NG SARILI, AT PAGBABAGO NA PAUNLAD


 ANG PAGPAPALAGANAP NG PAGKAKAISA AY ALINSUNOD PA RIN SA TALATA NG ROMA 12: 16 “ MAGKAISA KAYO NG SALOOBIN.

HUWAG KAYONG MAGMATAAS,
KUNDI MAKISAMA SA ABA.

HUWAG NINYONG IPALAGAY NA KAYO’Y NAPAKARUNONG.”


ANG PAGPAPALAGANAP NG PAGMAMAHALAN AY ALINSUNOD 
PA RIN SA IKALAWANG PINAKAMAHALAGANG UTOS, ANG MAHALIN ANG KAPWA GAYA NG SARILI. (MATEO 22:39)


ANG PAGTULONG SA KAPWA SA AY AYON SA TALATA NG 
ROMA 12:13 TUMULONG KAYO SA PANGANGAILANGAN NG
 INYONG MGA KAPATID.
 
 
 IBUKAS NINYO LAGI ANG INYONG MGA PINTO SA MGA 
TAGA-IBANG LUGAR.

ANG PAGMIMISYON AY ALINSUNOD SA NAKASULAT SA  
MATEO 28: 19-20  KAYA, HUMAYO KAYO AT GAWIN NINYONG 
ALAGAD KO ANG LAHAT NG BANSA. 


BAUTISMUHAN NINYO SILA SA NGALAN NG AMA, NG ANAK, 
AT NG ESPIRITU SANTO, AT TURUANG SUMUNOD
 SA LAHAT NG IPINAG-UUTOS KO SA INYO.

 TANDAAN NINYO: AKO’Y LAGING KASAMA NINYO 
HANGGANG SA KATAPUSAN NG SANLIBUTAN.”

 ANG PAGLILINIS NG SARILI AY NASUSULAT SA 
1 CORINTO 5: 7 “ALISIN NINYO ANG LUMANG LEBADURA, 
ANG KASALANAN, 
UPANG KAYO’Y MAGING MALINIS.
  
SA GAYON, MATUTULAD KAYO SA ISANG BAGONG MASA
 NA WALANG LEBADURA- AT GANYAN NGA KAYO.

SAPAGKAT NAIHANDOG NA ANG ATING KORDERONG 
PANGPASKUWA- SI CRISTO.


ANG PAGBABAGO NA PAUNLAD AY NAUUKOL SA TALATANG NAKASULAT SA 2 CORINTO 5:17 
KAYA’T ANG SINUMANG NAKIPAG-ISA KAY CRISTO AY ISA 
NANG BAGONG NILALANG. 


WALA NA ANG DATING PAGKATAO; SIYA’Y BAGO NA.
  

5
MAGKAROON NG PAGGAGALANGAN, PAG-UNAWAAN, AT PAGMAMAHALAN SA ISA’T-ISA BILANG MGA KAPATID AT KAPWA-TAO


 ANG PAGKAKAROON NG PAGGAGALANGAN AY ALINSUNOD 
SA NAKASULAT SA ROMA 13:7 IBIGAY NINYO SA BAWAT ISA 
ANG NARARAPAT SA KANYA: MAGBAYAD KAYO NG BUWIS 
SA KINAUUKULAN, GUMALANG SA NARARAPAT IGALANG, 
AT PARANGALAN ANG DAPAT PARANGALAN.

ANG PAGKAKAROON NG PAG-UUNAWAAN AY AYON SA 
NAKASULAT SA MATEO 5:9 MAPALAD ANG MGA GUMAGAWA 
NG SAAN SA IPAGKAKASUNDO, SAPAGKAT SILA’Y 
ITUTURING NG DIYOS NA MGA ANAK NIYA.


NASUSULAT DIN SA 2CORINTO 5: 18- ANG DIYOS ANG 
GUMAGAWA NG LAHAT NG ITO. SA PAMAMAGITAN NI CRISTO, IBINILANG NIYA AKONG KAIBIGAN- DI NA KAAWAY- 
AT HINIRANG NIYA AKO, UPANG PANUMBALIKIN 
SA KANYA ANG MGA TAO.


ANG PAGMAMAHALAN SA ISA’T-ISA BILANG KAPATID AT 
KAPWA-TAO AY ALINSUNOD SA IKALAWANG 
PINAKAMAHALAGANG UTOS, ANG MAHALIN ANG KAPWA 
GAYA NG SARILI. (MATEO 22:39)


NAKASULAT DIN SA ROMA 12:10 MAG-IBIGAN KAYO 
NA PARANG TUNAY NA MAGKAKAPATID, 
PAHALAGAHAN NINYO ANG IBA NANG HIGIT 
SA PAGPAPAHALAGA NILA SA INYO.


6
MAGING DAKILA SA ISIP, SA SALITA, AT GAWA, PARA SA DIYOS, SA BAYAN, AT TAO


 UNA SA LAHAT, ANG DIYOS AY DAKILA.

NAKASULAT SA AWIT 145:3

“DAKILA ANG PANGINOON, AT MARAPAT NA PURIHIN; AT ANG KANIYANG KADAKILAAN AY HINDI MASAYOD.”

SINASABI SA MATEO 5:48 KAYA, DAPAT KAYONG MAGING GANAP, GAYA NG INYONG AMANG NASA LANGIT.


NASUSULAT: LUCAS 22:26 NGUNIT HINDI GAYON SA INYO. 
SA HALIP, ANG PINAKADAKILA ANG DAPAT LUMAGAY
 NA SIYANG PINAKABATA, AT ANG NAMUMUNO’Y 
TAGAPAGLINGKOD.

ANG PAGIGING DAKILA ANG ISIP, SA SALITA, AT SA GAWA AY PAGSUNOD NG KALOOBAN NG DIYOS.
  
AT ANG PINAKADAKILANG UTOS AY UKOL SA PAGMAMAHAL 
SA DIYOS NANG BUONG PUSO, NANG BUONG KALULUWA, 
AT NG BUONG PAG-IISIP.

 ANG IKALAWANG PINAKADAKILANG UTOS, AY PAGMAMAHAL SA KAPWA GAYA NG SARILI.

(MATEO 22:36-40)



7
IPAGPATIBAY ANG KAUTUSAN NG DIYOS, TUMULONG SA PAGPAPAUNLAD NG KATAUHAN NG BAWAT KASAPI NG SAMAHAN, AT TUMUPAD SA ADHIKAIN NG DIYOS SA TAO

 
ANG PAGPAPATIBAY NG KAUTUSAN NG DIYOS AY BASE SA 
TALATA NG ROMA 7:12 ANG KAUTUSAN AY BANAL, 
AT ANG BAWAT UTOS AY BANAL, MATUWID AT MABUTI.
 
 
ANG PAGTULONG SA PAGPAPAUNLAD NG KATAUHAN NG 
BAWAT KASAPI SA SAMAHAN AY ALINSUNOD SA NAKASULAT 
SA ROMA 12:13 TUMULONG KAYO SA PANGANGAILANGAN 
NG INYONG MGA KAPATID. IBUKAS NINYO LAGI ANG 
INYONG MGA PINTO SA MGA TAGA-IBANG 
LUGAR.
 
 
ANG PAGTUPAD NG ADHIKAIN NG DIYOS SA TAO
AY BATAY SA FILIPOS 2:12-13 KAYA NGA, MGA MINAMAHAL, 
HIGIT NA KAILANGANG MAGING MASUNURIN KAYO NGAYON 
KAYSA NOONG KASAMA NINYO AKO. MAY TAKOT AT 
PANGINGINIG NA MAGPATULOY KAYO SA PAGGAWA 
HANGGANG MALUBOS ANG INYONG 
KALIGTASAN. 
 
 
SAPAGKAT ANG DIYOS ANG NAGBIBIGAY SA INYO NG
 PAGNANASA AT KAKAYAHANG MAISAGAWA ANG KANYANG 
KALOOBAN.