UNA SA LAHAT AY MAY ARAL SA BANAL NA KASULATAN NA NAGPAPATUNAY NA
LAHAT NG TAO AY NAGKAKASALA. ITO AY NAKASULAT SA ROMA 3:9-20
9Ano ngayon? Kami ba ay nakakahigit? Hindi! Ito ay sapagkat
napatunayan na namin noong una pa man, na kapwa ang mga Judio at mga
Griyego ay nasa ilalim ng kasalanan.
10Ito ay ayon sa nasusulat:Walang sinumang matuwid, wala kahit isa.
11Walang sinumang nakakaunawa, walang sinu-mang humahanap sa Diyos.
12Ang lahat ay lumihis ng daan, sama-sama silang naging walang
pakinabang. Walang sinumang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa.
13Ang kanilang lalamunan ay bukas na libingan.
Sa kanilang mga dila ay ginagamit nila ang pandaraya.
Ang kamandag ng mga ulupong ay nasa mga labi nila.
14Ang mga bibig nila ay puno ng pagsumpa at mapait na mananalita.
15Ang mga paa nila ay mabilis sa pagbuhos ng dugo.
16Pagkawasak at paghihirap ang nasa kanilang mga landas.
17Hindi nila alam ang landas ng kapayapaan.
18Ang pagkatakot sa Diyos ay wala sa kanila.
19Ngayon ay nalalaman natin na anumang sinasabi ng kautusan ay
sinasabi sa kanila na nasa ilalim ng kautusan upang patigilin ang
bawat bibig at ang buong sanlibutan ay mananagot sa Diyos.
20Kaya nga, sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan walang taong
mapapaging-matuwid sa harapan niya sapagkat ang lubos na pagkaalam sa
kasalanan ay sa pamamagitan ng kautusan.
KUNG PAGBABATAYAN ANG KAUTUSAN NG DIYOS, WALANG TAONG MATUWID SA
HARAPAN NG DIYOS. ITO AY DAHIL LAHAT NG TAO AY NAGKAKASALA.( all men sin)
ANO ANG MARAPAT GAWIN NATIN KUNG TAYO AY PALAGING NAGKAKASALA SA
DIYOS? ANO ANG MARAPAT NATING GAWIN UPANG MANUMBALIK SA KANYA? (what to do?)
UNANG HAKBANG:
MAGSISI SA MGA KASALANANG NAGAWA...
(repentance)
SA AWIT 51:1-17 AY NARITO ANG PANALANGIN UKOL SA PAGSISISI:
1 Maawa ka sa akin, Oh Dios, ayon sa iyong kagandahang- loob: Ayon sa
karamihan ng iyong malumanay na mga kaawaan ay pinawi mo ang aking mga
pagsalangsang.
2 Hugasan mo akong lubos sa aking kasamaan, At linisin mo ako sa aking
kasalanan.
3 Sapagka't kinikilala ko ang aking mga pagsalangsang: At ang aking
kasalanan ay laging nasa harap ko.
4Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala, At nakagawa ng kasamaan sa
iyong paningin: Upang ikaw ay ariing ganap pag nagsasalita ka, At
maging malinis pag humahatol ka.
5 Narito, ako'y inanyuan sa kasamaan; At sa kasalanan ay ipinaglihi
ako ng aking ina,
6Narito, ikaw ay nagnanasa ng katotohanan sa mga loob na sangkap; At
sa kubling bahagi ay iyong ipakikilala sa akin ang karunungan.
7 Linisin mo ako ng hisopo, at ako'y magiging malinis: Hugasan mo ako
at ako'y magiging lalong maputi kay sa nieve.
8 Pagparinggan mo ako ng kagalakan at kasayahan; Upang ang mga buto na
iyong binali ay mangagalak.
9 Ikubli mo ang iyong mukha sa aking mga kasalanan, At pawiin mo ang
aking lahat na mga kasamaan.
10 Likhaan mo ako ng isang malinis na puso, Oh Dios; At magbago ka ng
isang matuwid na espiritu sa loob ko.
11 Huwag mo akong paalisin sa iyong harapan; At huwag mong bawiin ang
iyong santong Espiritu sa akin.
12 Ibalik mo sa akin ang kagalakan ng iyong pagliligtas: At alalayan
ako ng kusang espiritu.
13 Kung magkagayo'y ituturo ko sa mga mananalangsang ang iyong mga
lakad; At ang mga makasalanan ay mangahihikayat sa iyo.
14Iligtas mo ako sa salang pagbububo ng dugo, Oh Dios, ikaw na Dios ng
aking kaligtasan; At ang aking dila ay aawit ng malakas tungkol sa
iyong katuwiran.
15 Oh Panginoon, bukhin mo ang aking mga labi; At ang aking bibig ay
magsasaysay ng iyong kapurihan.
16 Sapagka't hindi ka nalulugod sa hain; na kung dili ay bibigyan
kita: Wala kang kaluguran sa handog na susunugin.
17 Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob: Isang bagbag at may
pagsisising puso, Oh Dios, ay hindi mo wawaling kabuluhan.
IKALAWANG HAKBANG:
Ipatawad ninyo sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay patatawarin
naman kayo ng inyong Ama sa kalangitan.
(forgive the sins of others)
Datapuwa't kung hindi ninyo ipatawad sa mga tao ang kanilang mga
kasalanan, ay hindi rin naman kayo patatawarin ng inyong Ama ng inyong
mga kasalanan. (MATEO 6:14-15)
IKATLONG HAKBANG:
Huwag kayong hahatol upang hindi kayo hatulan. Ito ay sapagkat sa hatol na inyong ihahatol ay hahatulan kayo. Sa sukat na inyong ipinanukat ay isusukat sa inyo. (MATEO 7:1-2)
(do not judge or condemn others)
PINAKAMAHALAGANG HAKBANG:
Tanggapin ang Panginoong Jesu Cristo bilang Panginoon at tagapagligtas, at sumampalataya sa Kanya.
(receive our Lord Jesus Christ, and believe in him)
Juan 1:12: Datapuwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa
makatuwid baga'y ang mga nagsisampalataya sa kaniyang pangalan:
Juan 1:13: Na mga ipinanganak na hindi sa dugo, ni sa kalooban ng
laman, ni sa kalooban ng tao, kundi ng Dios.
SANA ANG POST NA ITO AY MAKATULONG SA MGA NAGSUSUMIKAP GAWIN ANG
KALOOBAN NG DIYOS...
SA ARAW-ARAW, AY ANG TAO AY NAGKAKASALA. ..
ANG MAHALAGA AY MAGSIKAP BUMANGON SA BAWAT PAGKABUWAL MULA SA
KASALANAN, AT SIKAPING LUMAKAD SA BANAL NA KAUTUSAN NG DIYOS...
WALANG TAONG HINDI NAGKAKASALA. .. KUNG KAYA'T WALANG TAO ANG MAAARING
MAGING ESPIRITUAL NA HUKOM NINUMAN... AND DIYOS, NA PANGINOON NG
UNIBARSO, ANG SIYANG MAY KARAPATANG GAWIN SA ATIN IYON...
HINDI TAYO TAGAHATOL, KUNDI TAGASUNOD SA KAUTUSAN NG DIYOS....
KUNG KAYA'T WALANG SINUMAN ANG MAY KARAPATAN NA HATULAN ANG KANYANG
KAPWA SA ESPIRITUAL.. .
NASUSULAT:
Huwag kayong mangagsalita ng laban sa isa't isa, mga kapatid.
Ang nagsasalita laban sa kapatid, o humahatol sa kaniyang kapatid, ay nagsasalita laban sa kautusan, at humahatol sa kautusan:
datapuwa't kung ikaw ay humahatol sa kautusan, hindi ka na tagatupad
ng kautusan, kundi hukom.
Iisa ang tagapagbigay ng kautusan at hukom, samakatuwid baga'y ang makapagliligtas at makapagwawasak: datapuwa't sino ka na humahatol sa iyong kapuwa? (SANTIAGO 4:11-12)
NAWA ANG PAGPAPALA NG DIYOS ALHYM (ELOHIM), PAPURI SA KANYA, AY SUMAATING LAHAT....
AMEN
No comments:
Post a Comment